Bakit ganun noh?
Cute tignan sa una pero habang tumatagal nagiging luma at nasisira na kung ito’ypinabayaan mo.
Di mo alam kung aayusin mo pa ba o kaya’y itatapon nalang at iwan nalang kung saan-saan.
Eh bat ba kasi bibili ka pa ng laruan kung balak mo rin palang sirain.
Feeling ko tuloy ang buhay pag-ibig ay panandalian lamang.
Ganyan din naramdaman ko nung una kong naramdaman ang tinatawag nilang pag-ibig
Hiniling ko sa Maykapal na sana siya na ang una at huling lalaking iibigin ko.
Iniisip ko paano kung bigla nalang siya bumitaw at iwan ako
Just in case makahanap siya ng mas higit sa akin at ipagpalit ako
Kasi habang nasa malayo siya unti-unting lumalayo loob niya sakin
Long distance relationship ika nga nila
Malayo kayo sa isa’t isa kaya di mo alam kung may iba na siya at maniniwala ka ba kung sasabihin niyang ikaw lang ang nag-iisang tao sa puso niya?
Na alam mong marami kayo sa paningin niya.
Na sa palagay niya kahit mawala ka marami naman siyang reserba
NGunit sa isang relasyon kailangan niyong maging matibay at magtiwala lang sa isa’t isa at dapat kayanin niyo lahat ng pagsubok na darating.
Once in a lifetime ecperience sabi ng iba,
Pero pagnasaktan na parang batang inagawan ng laruan na umiiyak na sa sulok.
Question, di ba masaya ka naman bago nakilala mo siya?
Ramdam ang sakit at galit ng iwan ka niya
Sa pag-aakalang kayo na habambuhay
Tama na!
Ubos na ang pasensiya sa mga taong nagsasabing Mahal ka nila ngunit sa salita lang pala.
Very obvious di ba?
Wag kasi madaliin ang mga bagay na yan
X ang tawag sa isa’t isa kung ang matamis na pag-iibigan ay nawala nalang ng parang bula
Yan ang napapala ng mga taong di marunong magpahalaga ng mga bagay na importante
Zero as in wala na